top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Pagbabawas ng gastusin sa pagretiro

11/18/24, 4:55 AM

Ni Tracy Cabrera

MAYPAJO, Lungsod Kalookan — Kasabay ng ating pagreretiro ay maraming pagbabago sa ating pamumuhay, kabilang na ang mga gastusin na dati nating pinaglalaanan ng ating income o kinikita sa pagtatrabaho. Halimbawa, hindi na kailangan pang paglaanan ang pang-araw-araw na pamasahe na ating tinutustusan sa pagpasok sa ating trabaho. Bukod dito, hindi na rin kailangang gumasta sa damit na pampasok sa opisina at gayun din ang budget para sa pananghalian at paminsan-minsang miryenda.

Gayun man, mas makakabuti pa ring tukuyin ang ilang mga bagay na maaaring isantabi bilang pagbabawas sa ating daily expenses upang umigi ang ating kalagayang pinansyal, lalo na dahil wala na tayong sinusuweldo at tanging ang pension na lang ang ating inaasahan. Para sa ilang, madali naming desisyunan ito, subalit mainam nang mabigyan tayo ng wastong paggiya upang maging magtagumpay sa pagsasaayos ng ating budget at gastusin sa gitna ng ating retirement.

Dining out (pagkain sa labas)

Sa tootoo lang, matatawag itong luxury o luho at Malaki ang magiging kabawasan sa ating gastusin sa pag-iwas dito ngayong retirado na. Kung nahihirapan namang magluto pa ng ating pang-araw-araw na pagkain, maaari din namang bumili na lang ng lutong ulam at kanin na mas mura kaysa sa mamalengke atmagluto pa.

Impulse purchases (pagbili ng mga bagay na hindi kailangan)

Maaaring kabilang rito ang impromptu road trip, bagong electronic gadget o kitchen appliance na iniisip na mahalaga sa ating pamumuhay. Sa pagreretiro, napapanahon na isaayos ang ating mga pangangailangan upang ang mahahalagang bagay lang ang dapat nating bilhin.

Peak travel costs (gastusin sa pagbiyahe at pagbabakasyon)

Noong nagtatrabaho pa tayo, kinailangan nating paghandaan at ipasok sa schedule ang pagbiyahe, pagbabakasyon at pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon tulad ng kaarawan, Pasko at Bagong Taon. Ngayong retirado na tayo, hindi na ito kailangang gawin dahil mas flexible na ang ating schedule kaya makakapagtipid na sa maraming mga bagay na dati nating pinaglalaanan ng budget habang nagbabakasyon o nagdiriwang kasama ang pamilya o mga mahal sa buhay.

Comments

分享您的想法率先撰寫留言。
bottom of page