SENIOR CARE
Prinsesa Yuriko ng Japan yumao sa edad na 101
11/15/24, 9:30 AM
Namatay sa edad na 101 si Prinsesa Yuriko, ang kinikilalang pinakamatandang miyembro ng pamilyang imperyal at hipag ng yumaong Emperor Hirohito.
Hindi sinabi ng Imperial Household Agency ang sanhi ng kamatayan ng prinsesa ngunit naikalat na ng Japanese media na ito ay dahil sa pneumonia.
Galing sa aristokratikong pamilya, si Princess Yuriko ay ikinasal sa edad na 18 kay Prinsipe Mikasa, nakababatang kapatid ni Hirohito at tiyuhin ng kasalukuyang Emperor Naruhito. Ang kasal ay ginanap ilang buwan bago magsimula ang Ikalawang Digmaang Daigdig na sinalihan ng Japan.
Bagamat mayaman at sheltered ang pamilya, dumanas din ng kalupitan ng giyera si Yuriko at Mikasa nang masunog dahil sa ‘fire bombings” mula sa mga Amerikano ang kanilang pinag-tataguan sa Tokyo bago bumagsak ang bansang Hapon noong 1945.
Lima ang naging supling ng mag-asawa. Tatlo dito ang namatay na kasama ni Mikasa.
Dahil sa pagpanaw ni Princess Yuriko, 16 na lamang nag lalabi sa Imperial Family na patuloy na kumukonti. Apat lamang sa natitirang magpapamilya ang lalaki.
Ang pagkonti ng lalaki ay nagdudulot ng malaking problema sa patuloy na kagustuhan ng mga konserbatibo na manatili ang pagmana ng imperial thrown sa mga kalalakihan.
Sa ilalim ng 1947 Imperial House Law, mga lalaki lamang ang magmamana trono habang ang mga kababaihang kasapi ng royal family ay matatanggal na sa pagiging dugong bughaw kapag nag-asawa ng karaniwang tao.
Si Princess Yuriko ay namuhay ng malusog hanggang sa umabot sa 100 anyos nang atakihin ng stroke noong Marso.
Mahilig siyang mag-ehersisyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga napapanood sa telebisyon, ayon sa Imperial Household Agency.
Up-to-date siya sa balita at naging libangan niya ang pagbabasa ng mga magazines, panonood ng telebisyon at pagsunod sa kaganapan sa baseball.