top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Sikreto ng pinakamatandang nilalang sa mundo : Pananampalataya bilang Katoliko

1/10/25, 9:00 AM

Sa murang edad na 16 nagsimula ang buhay ng pananampalataya sa Diyos ni Sister Inah Canabarro Lucas, ang kapro-proklamang pinakamatandang tao sa mundo na 116 anyos ngayon.

Sagot niya kung ano ang sikreto sa matagal na buhay? “Taimbim na pananampalatayang Katoliko lamang.”

Isang Teresian nun, si Sister Inah ang ika-20 tao na naitala sa kasaysayan bilang pinaka-matanda sa mundo. Tubong Rio Grande de Sol, Brazil, itinanghal bilang pinakamatanda si Sister Inah matapos na pumanaw si Lola Tomiko Itooka ng Japan noong Disyembre 29.

Ang Japan ay nangungunang may pinakamaraming nagkaka-edad na tao sa mundo. Sa pagpanaw ni Lola Tomiko, siya ay hinalilihan ni 115-anyos na si Okagi Hayashi, isa ring babae mula sa Gifu Prefecture, bilang pinakamatanda sa kanilang bansa.

Si Sister Inah ang pangalawa sa pinakamatandang madre na nadokumento ng mga historians. Nauna sa kanya si Sister Lucile Randon o Sister Andre of France, na namatay noong Enero 2023 sa edad na 118 anyos at 340 araw.

Bukod sa pagiging avid soccer fan, buhay ng pananampalataya sa relihiyong Katoliko ang pinili ni Sister Inah simula nang mag-aral sa Santa Teresa de Jesus boarding School sa edad na 16.

Isang taon matapos na mabinyagan sa edad na 17, lumipat siya ng tirahan sa Montevideo, Uruguay upang makumpilan sa Simbahang Katoliko sa edad na 21.

Naging guro sa Rio de Janeiro si Sister Inah na tatlong beses nagpanata sa pagiging madre.

Sa edad na 26, namanatang muli si Lucas sa pagiging madre. Sa buong buhay niya, inilaan ni Inah ang sarili bilang guro hanggang mag-retiro ito noong 1995.

Bukod sa pagiging relihiyosa, ang pagkakahilig sa soccer ang nagpapasaya sa buhay ni Sister Inah. Siya ay isang “devoted supporter ng Sports Club Internacional.”

Dr. Baowen Xue, lead author from UCL's Epidemiology and Health Department. (Photo from UCL Profiles)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page