

SENIOR CARE
TESDA nag-aalok ng Japanese, English courses

1/27/24, 10:30 AM
Ni MJ Blancaflor
Nais mo bang mag-aral ng Nihongo at Ingles?
Maaari nang mag-enrol sa mga kursong iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) - National Language Skills Center.
Ang kurso sa Ingles, na kung tawagin ay English Proficiency for Customer Service Workers, ay angkop sa mga may trabahong tulad ng customer service representative, telemarketer, office front desk representative, call center agent, at marketing agent.
Samantala, ang pangalawang kurso na kung tawagin ay Japanese Language and Culture – Level II ay idinisenyo upang tulungan ang mga nagnanais magtrabaho sa Japan.
Tatagal ang pagsasanay sa Ingles ng 100 oras o 25 araw, habang ang Nihongo classes ay aabot ng 300 oras o 75 araw.
Naniniwala ang TESDA na ang mga nasabing kurso ay magbubukas ng karagdagang oportunidad para sa mga Pilipino.
"I encourage our kababayans to consider enrolling in language training programs. Embrace the opportunity to refine your language skills, gain a global perspective, and enhance your employability," ani TESDA Secretary Suharto Mangudadatu.
"The ability to communicate articulately and confidently in multiple languages not only enriches your personal experiences but also allows you to connect with a diverse range of people," dagdag niya.
Ang mga interesadong kumuha ng mga nasabing kurso ay maaaring tumawag sa TESDA National Language Skills Center sa 8818-8062 o mag-email sa lsi@tesda.gov.ph.